Ang “Tara travel tayo” ay personal na blog na nagpapakita ng ibat-ibang paglalakbay ng isang grupo ng magkakaibigan na hangarin hindi lang ang pagbabakasyon kundi pati ang pagtuklas sa mga nakatagong kayamanan ng Pilipinas at ang kagandahan ng kapaligiran na dapat din nating pag-ingatan para masaksihan pa ng susunod na mga maglalakbay. Layunin din nito na makatulong sa ibang manlalakbay sa pamamagitan ng pagpapaskil ng mga “helpful tips” hinggil sa mga tuluyan, transportasyon, kultura ng isang lugar, masarap na pagkain, at iba pa.


Monday, April 28, 2008

Panganib na dulot ng “Global Warming”

Global warming? Ano nga ba ito? Bakit dapat tayong mabahala sa phenomenon na ito? Ano ba ang epekto nito sa atin at sa ating kapaligiran? Tayo ay dapat lamang na magkaroon ng kaalaman sa bagay na ito dahil napapanahon na ang pagkilos para matugunan ang suliraning ito.

Ang Global Warming ay ang pagtukoy sa pagbabago ng panahon kabilang na ang pagtaas ng temperature ng Atmospera ng mundo at ng mga karagatan. Ito ay matagal ng nangyayari sa ating mundo at hanggang ngayon patuloy pa rin ito sa paglala. Ayon sa mga Internasyonal na pagsasaliksik hinggil sa panahon, na ang temperatura ay patuloy na tataas mula 1.1 hanggang 6.4 sentigrado sa pagitan ng taong 1990 hanggang 2100. Maraming bagay ang dahilan ng pagtaas na ito. Nariyan ang “greenhouse effect” na may pinakamalaking epekto sa pagbabago ng temperature ng mundo. Ito ay ang pagtaas ng “greenhouse gas” na nakapagdudulot ng patuloy na pag-init ng bumabalot sa mundo at ng ibabang atmospera nito. Ito ay kinabibilangan ng mga gas na nangagaling sa mga pabrika, tambutso ng sasakyan, pagsusunog ng mga plastic at pagkakaingin. Nariyan rin ang ibang aspeto tulad ng pagiging sensitibo ng ating atmospera at ganon din ang pagiging aktibo ng mga bulkan.

Kapag nagpatuloy ang paglala ng “global warming”, maaari itong humantong sa pagkakaroon ng epekto sa ating klima, sa pagdalang ng pag-ulan, at mahahabang araw ng tag-init. Nariyan rin na magiging madalas na ang mga pagbabago sa panahon tulad ng baha, heat wave, el niño o tagtuyot, buhawi o maging ipo-ipo. Maaari rin itong makaapekto sa ating agrikultura na tila makakapagpahirap hindi lamang sa mga kapatid nating magsasaka kundi pati na rin sa atin na mga nakikinabang sa produktong pang-agrikultura. Gayon din ang pagiging “extinct” ng ilang mga piling hayop dahil na rin sa magiging pagbabago sa panahon. Maaari ring dumami at kumalat ang mga epidemya sa mundo. Malaki rin ang nagiging epekto nito sa ating karagatan dahil sa ang “Carbon Dioxide“ ay acid na nahihigop ng ating karagatan, sa paraang ito nagkakaroon ng reaksyon sa tubig ang asido na malaki ang nagiging epekto sa ating sa karagatan. Ayon na rin sa ilang pagsasaliksik ng mga dalubhasa sa panahon maraming mga bansa ang mabubura sa mapa kapag ito ay nagtuloy-tuloy. Dahil na rin sa mainit na panahon mabilis na matutunaw ang mga yelo sa mga karatig kontinente at tataas ang level ng mga yamang-tubig na maaaring bumura sa ilang mga bansa sa ating mundo. Dahil dito hindi malayong mapabilang ang ating bansang Pilipinas sa mga babahain dahil tayo ay napapaligiran ng mga yamang-tubig.

Maaari nating sugpuin ang bagay na ito kung tayo ay magkakaroon ng pagtutulungan sa ibat-ibang nasyon sa ating mundo. Sa mga simpleng paraan, tayong mga Pilipino ay maaari ding tumugon sa mga programang isinusulong para sugpuin ang “global warming”. Sa mga kababayan nating may mga sasakyan,

sana

ay ipalinis na nila ang mga tambutso ng sasakyan nila o dili kaya’y gumamit ng ibang alternatibong paraan para mabawasan ang “smoke belchers”. Kailangan din tayong magtanim ng maraming puno lalo na sa mga lungsod na hindi puro gusali na lamang ang nakikita sa mga lugar na ito. Dapat din na hindi tayo magsunog ng mga plastic sa ating mga bakuran, hanggat maaari ay magrecycle tayo para maiwasan ang pagsusunog.

Sana

rin ang mga kababayan nating nagmamay-ari ng mga pabrika ay panatilihin nilang malinis at huwag magbuga ng maiiitim na usok sa ating kalangitan.

Sana

rin ay mas lalong paigtingin at dagdagan ng ating pamahalaan ang mga programa para sugpuin ang suliraning ito. Maghigpit sa pagbabawal sa mga “smoke belchers” sa kalsada, paglulunsad ng maraming programa sa pagtatanim ng mga puno, at lalong palawigin ang mga programa sa pagre-recycle. Tayong mga simpleng mamamayan ay kaya itong pagtulong-tulungan para na rin ito sa atin at sa ating kapaligiran. Nais ba nating mawala ang mga likas na yaman hindi lang ng ating bansa kundi ng buong mundo. Paano na lang ang mga naggagandahang karagatan, kabundukan, kagubatan, mga hayop at halaman kung ito man ay magpapatuloy? Kakayanin ba natin na imbes sa magkulay berde ang kapaligiran ay maging mistulang itim na ito? Ang ibinigay sa atin ng Diyos na kagandahan ng ating mundo ay siya naman nating unti-unting sinisira. Hahayaan ba natin na dumating ang araw na pati ang bansa natin ay humantong sa malagim na epekto ng “global warming” na ito. Huwag naman

sana

!

Sana

minsan ay maitanong natin sa ating sarili kung ano ang naisukli natin sa ating kapaligiran. Ano ang iginanti natin sa kanya kapalit ng ibinibigay nitong mga benepisyo sa atin.? Dahil tiyak ang pag-ani natin nito sa pagdating ng araw. Ano ba ang kaya nating gawin kahit na ito ay simpleng pagtugon lamang? Diba’t napakasarap mabuhay sa napakagandang mundo kaya’t

sana

ay magtulung-tulungan tayo. Aminin natin na ayaw nating maglaho ang mga yamang ito ng ating bansa, ng ating mundo.. kaya kumilos tayo.. sagipin natin ang nagsusumamo nating mundo. Kailangan tayo ng ating kapaligiran…. Ng ating mundo.

Tuesday, February 26, 2008

Doña Jovita resort Laguna



Pebrero 25, deklaradong holiday ng Pangulo kaya’t nagkayayaan kaming magakaibigan na magkaroon naman ng break sa trabaho. Naghanap ako ng mga resort sa malapit na pwede kaming magrelax…Siyempre ang pinakamalapit ay ang mga resort sa Laguna. Nakatawag ng pansin ko sa aking paghahanap sa internet ang Doña Jovita resort na may sarili nilang mini zoo at sobrang dami ng puno dito, kaya’t ito ang napili naming na pagswimmingan.
Nagkita-kita kami ng umagang iyon sa Jolibee Alabang kasama ang aking pinsan na matagal ng panahon nung huli kaming magkita kaya ipinakilala ko siya sa aking mga kaibigan na agad naman silang nagkabonding at naging click sa isat-isa. Mula Alabang sumakay kami ng bus na may signboard na “Sta. Cruz” at nagpababa kami sa konduktor sa bagong kalsada Calamba, Laguna. Madali lang makita ang resort dahil sa napakalaki nitong banga sa harapan. Pinili naming tumuloy sa kanilang Family room na mayroong 2 double bed at 2 extra bed. Kasyang kasya sa anim o higit pa. Maganda yung room at yung comfort room nito. Maluwag at meron ding kitchen counter, refrigerator at cabled television, maaari ka ding magpasok ng sarili mong pagkain.
Madaming swimming pool ang Doña Jovita kalimitan ay hotspring at mayroon ding Jacuzzi na pwedeng lubluban. Nakakrelax sa resort na ito dahil sa dami ng puno kaya’t paniguradong sariwang hangin ang iyong malalanghap lalo na pag ikaw ay nalublob na sa Jacuzzi na talagang makakatanggal ng iyong stress at lamig sa katawan. Kinabukasan sinubukan naming puntahan ang paanan ng Bundok Makiling na nasa likod lang ng resort. Napakaganda ng tanawin dito at napakasariwa ng hangin. Pinuntahan din naming ang kulungan ng donkey at ng ostrich sa resort na aakalain mong may sarili silang mini zoo sa loob. At bago kami umuwi siyempre hindi naming nakalimutang bumili ng Collete’s Buko pie sa tapat lamang ng resort.
Nakakarelax talaga ang outing naming ito dahil na rin sa magandang resort, nakakarelax na kwarto, hotspring swimming pool at magandang serbisyo ng Doña Jovita Resort.


www.jovitaresort.com

Contact# 0917) 584-8441

Tel Nos. (049) 545-3740 / 545-6657 / 545-7517 / (02) 800-3947 / 800-0771

Monday, April 16, 2007

Puerto Galera 07


Unang travel ng aking grupo ay sa Puerto Galera. Matunog na matunog ang pangalang ito noon dahil sa maganda nitong White Beach. Salamat na rin sa biyaya ng komisyon ko sa benta ng scrap, nakapunta kami sa Puerto Galera. Doon nagumpisa ang pagkahilig ko sa paghahanap ng magagandang lugar dito sa Pilipinasa kasma na din dito ang paghahanap ng mga magagandang natutuluyan sa bawat lugar.

Abril 2007 ng kami ay mapadpad sa Puerto Galera, 4 na babae at isang lalake. At dahil ito ay ang sinasabi nilang “peak season” laging tatandaan na magpa reserve ng matutuluyan 1 bwan o higit pa bago ang araw ng inyong lakad lalo na kung ito ay tatapat na mahal na araw. Marami akong hotel na nakita sa internet. ANg Coco beach, La Laguna beach in Sabang, Puerto Nirvana, Graywall, Encenada, …. Pero ang napili ng grupo ay sa OceanaDive (+63 (0) 917 625 5097) kasi kami ang grupo na particular sa swimming pool at sa privacy ayaw namin sa masyadong crowded at sa sigurado kami na makakapag relax.

Nagkita kita kami ng grupo sa Alabang at doon sumakay kami ng aircon bus na papuntang “Batangas Pier” – P150+ ang pamasahe. Pagdating sa pier bumili kami ng tiket ng bangka pa Puerto Galera, MV Brian nanagkakahalaga ng 180 + 25 insurance/entrance. Maalon ang dagat papuntang Galera kahit na tag-araw kaya maghanda yung mga di sanay sumakay ng bangka o ferry dahil nakakhilo at nakakatakot pa nga minsan dahil sa malalaking alon. Ng makaraos pagdating sa daungan sinundo kami ng service ng Oceana at pagdating meron pa kaming welcome drink. Ok naman ang napili naming kwarto kahit na walang tv set. Kahit hindi aircon makamig pa din sa gabi. Maganda ang resort nakakarelax talaga. Kung gusto niyo din ng adventure maari kayong magpunta sa Tamaraw falls magpahatid lang kayo sa tricycle sa sakayan papuntang Tamaraw falls.

Nung ikalawang araw namin nagpunta kami sa popular na white beach ng Puerto Galera nagtricycle kami mga 150+ ang binayad namin. Napakaganda sa White beach putting puti ang buhangin. Marami ring inns sa White Beach at madami ding pwedeng kainan mula 100+ hanggang 300+ ang mga menu.

Kung nasa resort naman kami dahil sa medyo mahal sa restaurant ng oceana, sa mga kainan sa labas kami kumakain 100 kada tao ok na ang meal mo may kasama na ding inumin.


Para sa mga karagdagang resort sumangguni sa mga ss:


Atlantis Dive Resort

+63 (0)43 287-3066 or 3067 or 3069


Coco Beach

(+63) 2 521-5260 or (+63) 2 526-4594


Puerto Nirvana

Telefax: +6343.287.3408

Mobile: 0922-817-2736 / 0917-624-8607

Bid Apple DIve Resort

+63 2 899 5793


Coral Cove

Telephone +63 (0)43 287 3220
Fax: +63 (0)43 287 3464


La Laguna

Telefax: +63 43 2873181
Mobile: +63 9177940323


Portofino

Tel/Fax: +63 (43) 287-3227


Franklyn

+ 632 522-3738, +63 43 287-3182


Tamaraw

+639212795161
+63275975588
+639175048679

MArco Vincent

Tel. Nos. (632)813-6329
Mobile: (63)-920-951-0128

Graywall

+632.3381002 | 3033771-72 | 5245135 | 7109219


Napakaganda sa Puerto Galera at maswerte kami na ito ang napili naming unang tuklasin.